Mga natutunan namin sa FILIPINO 1
YUNIT 1⧭Aralin 1 : Wika, Komunikasyon , at Wikang Pambansa⧭
Natutunan namin na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugan nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981).⏩May limang Daluyan ng Pagkahulugan : Tunog, Simbolo , Kodipikadong Pagsulat , Galaw , at Kilos .
1.) Tunog - Pinagsimulan ng wika ng tao. Mga tunog na ito na mula sa paligid , kalikasan at mula mismo sa tunog ng likha ng pagbigkas ng tao.- ponosentrismo - una ang bigkas bago ang sulat
2.) Simbolo - Binubuo ng biswal na larawan , guhit , o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan . Halimbawa nito ang simbolo ng krus , araw , elemento ng kalikasan , at marami pang iba .
3.) Kodipikong Pagsulat - Sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform.
4. ) Galaw - Tumutukoy sa ekspresyon ng mukha , kumpas ng kamay , at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
5. ) Kilos - Tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag-awit, pagtulog at tatawid sa daan, etc.
⏩Tuwing Kailan Gamitin Ang Wika ?
- Gamit sa talastasan , Lumilinang sa pagkatuto, Saksi sa panlipunang pagkilos, Lalagyan o Imbakan , Tagapagsaliwat ng Damdamin , Gamit sa imahinatibong pagsulat .
⏩Kategorya at Kaantasan ng Wika
- Pormal - maituturing na pormal ang isang wika kung ito ang higit na kinikilala at ginagamit sa nakakarami .
- Ang opisyal na wikang pambansa at panturo.
- Ang wikang pampanitikan ay ginagamit sa akdang pampanitikan .
2. Di- Pormal - Wika na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
- Wikang Panlalawigan / Salitang diyalektal
- Wikang balbal/slang
- Wikang kolokyal
⏩Komunikasyon - Pagpapahayag , paghahatid , o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan . Isa itong pakikipag-ugnayan , pakikipaglalagayan o pakikipag-unawaan.
➤Antas ng Komunikasyon : Intrapersonal , Interpersonal , Organisasyonal
- Intrapersonal - nakatuon sa sarili.
- Interpersonal - nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
- Organisasyonal - nagaganap loob ng isang organisasyon tulad ng paaralan , kompanya , simbahan , at pamahalaan .
⏩Ang pangkaraniwang modelo ng Komunikasyon
Tagapadala⇾⇾Mensahe⇾⇾Tsanel⇾⇾Tagatanggap⇾⇾Reaksyon
⇸⇸Ingay (hadlang)⇷⇷
⏩Uri ng Komunikasyon
- Komunikasyong Pabigkas , Komunikasyong Pasulat , Pakikipagtalastasan gamit ng kompyuter
⧭Aralin 2 : Unang Wika , Bilingguwalismo , at Multilingguwalismo sa Kontekstong Pilipino⧭
⤿Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino , samantalang nalilinang , ito ay payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. " Ang Wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa mga kasalong wika : (Sugbuanon, Iloko, Kapampangan , Pangasinense , Waray , Maguindanon , Tausug at Tagalog) at mga Banyagang Wika (Kastila , Ingles , at Tsino) . Natutunan namin na
.
➥Nagkakaroon ng problema sa ating wikang Filipino sa ngayon , makikita natin sa timeline na ito ang masalimuot na kasaysayan ng ating pambansang pagpaplano sa wika ay maari nating bigyan ng biswal na representasyon .
➥Isa sa mahalagang pagbabago sa Edukasyon sa Pilipinas ang pagtuturong gagamitin sa paaralan. Binigyang - halaga ang paggamit ng Mother Tongue o unang wika sa pagtuturo ng mga asignatura lalo na sa pre-school at unang tatlong baitang ng elementarya. Ang mother tongue ang siyang wikang panturo sa mga bansang tulad ng Alemanya, Amerika, Britanya at marami pang progresibong mga bansa at ito marahil ang makapagpaliwanag kung bakit nauna sila sa pag-aaral at pagkatuto sa halos lahat ng bagay (Malone2010)
⧭Aralin 3 : Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika⧭
⏩Sa araling ito natutunan namin ang Lingguwistikong Komunidad ay ang wika na kung saan ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan ang bawat isa. Napagbubuklod ng wika ang grupo ng tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila ang kani-kanilang tungkulin upang maging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng panlipunang dimensyon ang wika dahil napagsasama-sama nito ang mga tao upang makabuo ng isang komunidad tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagkilos, at kolektibong ugnayan sa ikauunlad ng bawat isa. Samantala ang Multikultural na komunidad pag nadagdagan pa ang wika. Karaniwan mula tatlo o higit pa basta hindi nagkasabay ng pagkatuto.
YUNIT 2
⧭Aralin 4 : Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang Wikang Global⧭
⏩Natutunan namin na mahigit sa 7,000 mga isla ang bumubuo sa Pilipinas na may iba't- ibang wika na may bilang na 109. Binubuo ito ng iba't ibang grupong etnolingguwistiko na pinangungunahan ng Cebuano, Tagalog , Ilokano , Hiligaynon , Bicolano , Samar-Leyte , Waray , Kapangpangan at Pangasinense na sumasakop sa 90% ng bansa. May mahigit na 500 mga wika at dayalekto ang bansa batay na rin sa pagkakaroon ng iba't ibang etnikong grupong nakatira sa bawat rehiyon na may kani-kanilang wikang sinasalita. May iba't ibang Kasaysayan ng Wikang Pambansa tulad ng mga ito :
Panahon ng Pagbabalik ng mga Amerikano
➥Dumaong ang hukbo ng mga Amerikano sa Palo,Leyte noong Oktubre 20,1944.
Panahon ng Pamahalaang Komonwelt
➥Sa ilalim ng pamahalaang komonwelt , binigyang diin ng edukasyon ang pagtuturo ng kabutihang asal , disiplina , sibika at kahusayan sa mga panggawaing pangkamay . Binigyang-diin ang paglinang sa diwang makabayan o nasyonalismo.
Panahon ng Internet at Globalisasyon
➥Naglalaho ng dominasyon sa Ingles sa "Cyberspace". Mother Tongue based . Multilinggual Education. Paggamit ng Mother Tongue.
⧭Aralin 1 : Bilang Instrumento⧭
ginagamit ang wika ng tagapagsalita para manngyari/maganap ang mga bagay bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ng tagapagsalita ang mg bagay at maging dahila ng paggawa at pagkaganap mga bagay bagay sa paggamit ng mga salita lamang. Ito ay maaaring gamitin upang ipahayag ang iba't ibang layon, pakay, o tanguhin.
Halimbawa:
mga bigkas na ginaganap (performance utterance) na hango ni John L. Austin.
1. literal na pahayag o lukusyonaryo: ito ang literal na kahulugan ng pahayag.
2. Pahiwatig sa kontekso ng kultura't lipunan o ilokusyunaryo
3. Pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo
⧭Aralin 2 : Regulatoryo⧭
gamit ng wika na pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-uganay, paghatid nga mga mensahe.
⏩Angwika ay regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod na mga elemento:
1. Batas
2. Taong may kapangyarihan
3. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito
4. Kontekso na nagbibigay-bisa sa batas
⏩Tatlo ang klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito
1. Berbal- ang tawag sa lahat ng kautusan, batas ,o tuntunin na binabangit lamang ng pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan
halimbawa:
guro- kapang sinabi ng guro na babagsak ang sinumang hindi makakapasa ng pasulit sa araw na iyon
2. Nasusulat nakalimbag, at biswal- ang tawag sa lahat ng kautusan, batas o tuntunin na mababasa, mapapanuod, o makikita na ipipatupad ng nasa kapangyarihan
halimbawa:
saligang batas o konstirusyon ng republika ng pilipinas
3. Di- masusulat natradisyon- ang mahabang tradisyon ng pasalin-saling bukambibig na kautusan, batas o tuntuning sinusunod ng lahat
halimbawa:
sa praktikal na lipunan, ang tagapag mana ng negosyo ay laging panganay na lalaki
⏩ Ilang Halimbawa ng Regulasyon o Batas
1. Saligang batas
2. Batas republika
3. Ordinansya
4. Polisiya
5. Patakaran ate regulasyon
⧭Aralin3: Interaksiyonal⧭
gamit ng wika upang manatili anf pakikpagkapwa-tao. Bahagi nito an phatic communication: iyong mga di-pinuouna/walang kabuluhang pakikippagpaliyam na nagsasaad ng isang bukas na tulay ng pakikipagwalastasan kung kailangan.
⏩Interpersonal na komunikasyon
ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao. Sa aklat na Explorations of functions of language ni M. A. K Halliday (1973) binibigyang-diin na ang pagkakategorya ng wika ay batay sa tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. isa sa mga ito ay interaksiyonal nawika na ang tungkulin ay tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kakilala
⏩Ang Interaksiyon sa Cyberspace
Mga halimbawa ng interaksiyon sa Internet
Dalawahan:
1. E-mail
2.personal na mensahe
Groupo:
1. Group chat
2. Forum
Maramihan:
1. sosiosite
2. online store
⧭Aralin4: Personal⧭
Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. May "tinig" o kinalalaman ang mga tao sa mga nagyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pimili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin.
⏩Ayon sa mga sikolohihistang sina katherine Bringgs at Isabel Myers (1950) batay sa personal theory ni Carl Jung (1920), mayroong apat na dimention ang ating personalidad:
1. panlabas sa panloob (Extraversion vs. Introversion)
2. Pandama laban sa Sapantaha (Sensing vs. Intuition)
3. Pag-iisip laban sa damdamin ( Thinking vs. Feeling)
4. Paghuhusga laban sa pag-unawa (judging vs. perceiving)
⏩Malikhaing Sanaysay
ay nalalaman ng sariling pananaw ng may-akda at nasa puntdebista ng manunulat
Halimbawa:
- Biograpiya
- Awtobiograpiya
- alaala
- sanaysay o tala ng paglalakbay
- personal na sanaysay
- Blog
⏩Bahagi ng sanaysay
1. Panimula
2. Katawan
3. Wakas
⏩Mga paalala sa pagsusulat ng malikhaig sanaysay
- pumili ng paksang may dating sa pagbabasa
- gumawa ng balagtas
- gumamit ng mga salitang akma sa paksa at sa inaasahang babasa
- tiyaking tama ang gramatika
- gamitin ang sariling materyal
- magbigay ng kakaibang pananaw at malikhaing bisyon
⧭Aralin5: Imahinatibo⧭
Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akda pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o hawarang pangarap sa isang sako o pangarap at pag iisip ng walang magawa sa kabilang dako
⏩Gamit ng wika sa Imahinatibong panitikan
Inilarawan ng imahinatibong panitikan ang iba't ibang anyo ng panitikan kabilang ang:
Inilarawan ng imahinatibong panitikan ang iba't ibang anyo ng panitikan kabilang ang:
- Pantasya
- mito
- Alamat
- Kwentong bayan
- Siyensiyang Piksyon
⏩Ang siyensiyang piksiyon sa wikang filipino
ang siyensiyang piksiyon ay ang panitikan ng tao na dumaranas ng pagbabago, maaaring ito'y sa pamamagitan ng siyentipikong pagtuklas,pagbabago sa teknolohiya, o natural na panyayari, maging pagbabago sa lipunan. Karaniwan nitong tinutuklasan kung paano mauunawaan ang mga bagay.
⧭Aralin5: Heuristiko at Representatibo⧭
tanonggot. pag-iimbistiga. pag-eeksperinto kung tama o mali. natututo tao sa ganitong proseso ng pagtuklas sa ating paligid at sa pagkuha ng luma at bangong kaalaman. Heuristiko ang wika sa ganitong sitwasyon. kung nais nating ipaliwanag ang datos, impormasyon, at kaalaman ating natutunan o natuklasan at kung nais nating nating iulat ang mga ito sa publiko o kahit kanino, representatibo naman ang bisa ng wika sa ganitong pagkakataon
⏩Ang apat na yugto tungo sa maugnaying pag-iisip
A. Paggamit ng Sintido-kumon
B. Lohikal na Pag-iisip
binubuo ng tatlong uri:
- Lohikal ayon sa Pangangatwiran o Argumento
- Lohika ayon sa Pagkakasuno-sunod
- Lohika ayon sa Analisis- may dalawa itong anyo.
a.Hinuhang pangkalahatan
b.Hinunang pambatayan
C. Kritikal na Pag-iisip- mataas na antas ng pag-iisip na umiikot sa tatlong hakbang:
- Masunuring pagtukoy sa kaligiran ng suliranin
- Pagsusuri, pag-uuri, at pag puna
- Paglalatag ng alternatibo
D. Maugnaying pag-iisip
halimbawa:
- Repleksiyon
- Kritikal
- Interpretasyon
- Pananaliksik na multidisiplinaryo
- Pananaliksik na interdisiplinaryo
⏩Mga pananda para sa kohesyong Gramatika
A. Ang anapora ay panghalip na ginagamit sa pangugusap o talata upang tukoyin ang naunang nabanggit na pangngalan o paksa
B. Ang katapora ay panghalip na unang ginagamit sa pangungusap o talata bago banggitin ang pangangalan o paksang tinutukoy.
C.Mainam na gumamit ng pangatnig upang suwabe, madulas, at magkakaugnay ang mag ideya o pahayag sa pangungusap
D. panagdang ay salita na makakatulong upang bigyang-diin, linawin , at pukawin ang atensiyon ng mambabasa o tagapakinig
halimbawa:
- Pagkasunod-sunod
- paghahambing
- pagkakaiba
- pagdidiin
- daloy ng panahon
- pagwawakas